top of page

Tagumpay Man O Kabiguan



Lyrics:


Tila kay daling magpasalamat sa Diyos

Sa mga pagpapalang lagi Niyang kaloob

Ngunit kung may dusa at may kalungkutan

Tila ba kayhirap ang Siya'y pasalamatan


Tila ba kayhirap magbigay ng papuri

Kung mga kabiguan nadaramang lagi

Natitirang pag-asa'y tila ba maglalaho

Sa nadaramang paghihirap ng puso


KORO:

Ngunit ang pangako N'yay wag kang maninimdim

Pagkatapos ng gabi, araw ay darating

Luha sa mga mata'y kanyang papahirin

Paghihirap ng puso'y kanyang papawiin


Sa lahat ng sandali Siya'y pasalamatan

Buhay man may tagumpay o may kabiguan

Pangako ng Diyos ay lagi mong panghawakan

Di Niya tayo iiwan o pababayaan


Dahil ang pangako N'yay wag kang maninimdim

Pagkatapos ng gabi, araw ay darating

Luha sa mga mata'y kanyang papahirin

Paghihirap ng puso'y kanyang papawiin


Ulitin ang Koro

77 views0 comments

Recent Posts

See All

Kaligtasan

Comments


SEONGYOSA

Seongyosa is a personal ministry that shares spiritually enriching bite-size gospel through Christian quotes, gospel music, arts, blogging, Bible study and prayer requests, and through the "right arm" of the gospel.

We offer FREE Bible study either by mail or online. Bible study guides are available for free upon request. [US only]

SUBSCRIBE VIA EMAIL

  • YouTube

© 2020 Created with Wix.com

bottom of page