top of page

Dalawang Beses (Two Times You're Mine)



LYRICS:


Isang bata’y gumawa ng laruang bangka

Yari ito sa kahoy, sa ilog ito’y pinalutang

Ngunit tali ay nalagot at ang bangka ay naanod


Nangako ang bata na lumuluha

Na kanyang hahanapin nawala niyang bangka

At hindi nga nagtagal nang makita nya ito sa tindahan

Nag ipon sya ng pera, nang kanyang mabili

Sya’y umuwi yakap nya ng masaya


Koro

Dalawang beses na ika’y Akin

Nung una’y ginawa Kita

Ngayon ay tinubos Kita

Dalawang beses na ikay Akin

Yan ang sabi ni Hesus


Gumawa ang Diyos ng isang tao

Yari ito sa pag ibig, namuhay dito sa mundo

Ngunit tipan ay nalagot at ang tao ay naanod

Nangako ang Diyos mula sa Kanyang trono

Na Kanyang hahanapin nawala Niyang tao

Ngunit di nga nagtagal dumating si Hesus na Kanyang Anak

At Siya’y nabayubay doon sa krus

Upang ang tao’y maibalik Niya


Ulitin ang Koro 2x


Yan ang sabi ni Hesus



4,487 views0 comments

Recent Posts

See All

Kaligtasan

Comments


bottom of page