LYRICS:
Saan ka nabubuhay, mahal na kaibigan
Sa Diyos ba o sa pansarili lamang
Saan ka patutungo, langit ba o impiyerno
Isipin mo ito kaibigan ko.
KORO:
Ngayon ang araw ng kaligtasan mo kaibigan mo
Baka ang bukas ay ‘di na darating
Buhay mo’y madaling lilipas at magwawakas
Kaligtasan ay nasa Diyos lamang
Ikaw ay naging tao, mahal na kaibigan
Upang maglingkod sa Diyos lamang
Hanapin mo ang daan tungo sa kaligtasan
Makakamtan mo ang buhay na walang hanggan
Magpasya ka ngayon habang may panahon
Alinlangan pawiin mo ngayon
H’wag magpaliban, h’wag mag-alinlangan
Pinto ng ‘yong puso ay bubuksan
(ULITIN ANG KORO 2x)
Kaligtasan ay nasa Diyos lamang
コメント