top of page

Sa Diyos Walang Lihim



LYRICS:


Ang buhay na tinatahak

Sa wari mo’y tama

Ngunit kung ‘yong susuriin

Landas mo’y madilim

Liwanag ay lumalapit

Ngunit di mo pansin

Ang ‘yong mga gawain

Di maililihim


Koro:

Tunay, kabundukan at karagatan

Ay mapagkukublihan

Ngunit sa Diyos ay walang pook

Na di mahahayag

Ang buhay ba na nilalandas

Ay ligtas sa kamatayan?

Sarili mo’y nalilinlang kung isipin paghatol ay di darating


Sinisikap mong masumpong mga kasiyahan

Ngunit bakit kadalasan

Ika’y nagkukulang

May tinig na nagsasabi

Wag magpatuloy

Landas mo ay nalilihis

Kaya nga’t magbalik


Ulitin ang Koro


Coda: Sa Diyos walang lihim

1,867 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page