LYRICS:
Kung kamtan mo man ang mundo’t kanyang yaman Maging palasyo man ang iyong tahanan Makamit mo man ang lahat ng bagay sa sanlibutan Buong buhay mo ay walang kabuluhan
Koro: Hanggang di mo nadarama ang palad ng Diyos Ama Ay di mo makakamtan ang walang hanggang pag-ibig Niya Hanggang di mo nababatid ang daan tungo sa langit Di mo makakamtan ang Kanyang pag-ibig
Kung sa lupang ito ay maging tanyag ka
Maging bata at matanda'y kilala ka
Ngunit di mo namamasdan si Hesus nga na mukhaan
Lahat ng ya'y pawang walang kabuluhan
Ulitin ang Koro
Kung nasa ‘yo man ang lakas at talino Humanga man sa iyo ang buong mundo Kulang naman sa pagbasa ng Banal na Kasulatan Wala pa ring halaga ang karunungan
Ulitin ang Koro 2x
Di mo makakamtan ang Kanyang pag-ibig
Comments