top of page

Huwag Mo Sanang Isipin



LYRICS:


Huwag mo sanang isiping hindi Kita natatanaw

Huwag mo sanang isipin iniwanan na Kita

Lagi kang nakikita sa paglipas ng araw

At Aking nalalaman ang iyong pagdurusa


Huwag mo sanang isiping di kita naririnig

Ang iyong dalamhati, ang iyong mga daing

Di mo ba nalalaman na kita'y iniibig

Bawat patak ng 'yong luha ay Aking nababatid


Huwag mo sanang isiping nalimutan na kita

Dahil ang 'yong pangalan, sa palad Ko'y sinulat na

At kung Ako'y kailangan, kung Ako'y hinahanap

Tumawag ka't manalangin at Ako'y mangungusap


Huwag mo sanang isiping hindi kita pinapansin

Huwag mong kalilimutan ang inalay Ko sa'yo

Kahit ang Aking buhay ay Aking inihain

Tulad ng ginawa Ko sa krus para sa'yo


At kung Ako'y kailangan, kung Ako'y hinahanap

Tumawag ka't manalangin at Ako'y mangungusap


Huwag mo sanang isiping hindi kita pinapansin

Huwag mong kalilimutan ang inalay Ko sa'yo

Kahit ang Aking buhay ay Aking inihain

Tulad ng ginawa Ko sa krus para sa'yo


Huwag mo sanang isiping hindi kita minamahal

Ang katotohanan, kita'y minamahal

1,531 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments

Couldn’t Load Comments
It looks like there was a technical problem. Try reconnecting or refreshing the page.
bottom of page